Enrile, Cagayan – Nagsagawa ang Enrile PNP ng barangay visitation, dialogue at foot patrol sa Brgy. Divisoria, Enrile, Cagayan noong Agosto 9, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Patrolwoman Carren Gannaban, PSB/MCAD PNCO sa pamumuno ni Police Major Rufo Pagulayan, Chief of Police ng Enrile Police Station, kasama ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at Brgy. Officials ng nabanggit na barangay.
Tinalakay ang patungkol sa E.O. 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, Anti-Illegal drugs, Anti-criminality Campaign, Anti-Rape Law and Vaccination Program.
Sinuri din ang barangay blotter kaugnay sa Barangay Justice System/Conflict.
Bukod dito, nagsagawa din ng pagpatrolya sa mahabang daan ng barangay.
Layunin nitong mapanatili ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan laban sa sakit, krimen at insurhensya.
Source: Enrile Pcr
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin