San Pedro City, Laguna – Nagsagawa ng Skills Enhancement Training ang Regional Mobile Force Battalion 4A sa Rosario Evacuation Center, San Pedro City, Laguna nito lamang Sabado, Hulyo 30, 2022.
Pinangunahan ang aktibidad ni Police Lieutenant Gloria Baluiag, Team Leader ng
Regional Mobile Force Battalion 4A, sa ilalim ng direktang superbisyon ni Police Colonel Ledon Monte, Force Commander katuwang ang Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A sa pangunguna ni Police Major Kris Albin Gonzales,
sa superbisyon ni Police Lieutenant Owen Banaag, Officer-In-Charge.
Ayon kay PLt Baliuag, namahagi ng kaalaman ang grupo tulad ng Disarming Technique, Basic Life Support, Crime Prevention at Arresting Technique sa mga barangay tanod ng 27 na barangay ng San Pedro.
Nakiisa rin ang Starblooms Enterprises, Goodwill Pharma & Medical Supplies Trading sa pangunguna ni Ruby Otero at Rotary Club San Pedro kung saan namahagi ng food packs at meryenda.
Naging highlights sa nasabing aktibidad ang pamimigay ng mga certificate Ä·abilang ang pamimigay ng posas, mga yantok at medical supply sa 135 na barangay tanod na nagsipagtapos sa naturang training.
Hinihikayat ng PNP ang mga mamamayan na suportahan at makiisa sa mga programa ng gobyerno para mapanatiling ligtas, payapa at maayos ang komunidad laban sa anumang krimen.
Panulat ni Patrolman Mark Lawrence Atencio