Arestado ng San Carlos City PNP ang isang barangay kagawad na may kasong Qualified Rape sa Barangay Bugallon-Posadas St., San Carlos City, Pangasinan, nito lamang ika-27 ng Pebrero 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jose L Abaya II, hepe ng San Carlos City PNP, ang suspek na si Arsenio Rico Galsim Jr, 42 taong gulang, Barangay Kagawad at residente ng Barangay Poblacion Sur, Bayambang, Pangasinan.
Ang pagkakahuli sa suspek ay magbibigay katuparan sa hinihinging hustisya ng naging biktima nito at patunay lamang na walang kinikilingan ang batas.
Nangangako naman ang San Carlos City PNP na patuloy nilang gagampanan ang kanilang tungkulin at sinisigurado nila na walang makakalusot sa batas upang mapanatiling ligtas at malayo sa kapahamakan ang mamamayan tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: San Carlos City Police Station
Panulat ni Patrolman Viljon Comilang