Tuesday, November 19, 2024

Barangay Development Programs (BDPs), itinayo at pinasinayaan sa dating Guerilla base sa Davao de Oro

Compostela, Davao de Oro (February 19, 2022) – Malakas man ang buhos ng ulan ay hindi nito napigilan ang kapulisan sa pangunguna ni Police Regional Office 11, Regional Director, PBGen Filmore Escobal sa pagdalo at pagsuporta sa pagpapasinaya sa mga proyekto sa ilalim ng Barangay Development Programs (BDP) ng pamahalaan sa Sitio Puting Bato, Brgy. Ngan, Compostela, Davao de Oro.

Pinasinayaan ang mga bagong tayong BDPs kabilang ang bagong gusali ng Daycare Center, Health Center at Level 2 Water System na itinurn-over sa mga katutubong Dibabawun sa pamumuno ng kanilang Tribal Chieftain na si Datu Ocampo Adlawan na nagpaabot ng taos pusong pasasalamat sa kapulisan at kasundaluhan sa pagdadala ng kapayapaan sa kanilang Sitio at sa lokal na pamahalaan sa pagsuporta sa nasabing proyekto.

Sa layo ng kanilang Sitio, malaking tulong ang daycare center upang mas mapalapit at mas maging ligtas ang pag-aaral ng mga kabataan kasama na ang health center na magbibigay ng agarang atensyong medikal at mabantayan ang kalusugan ng bawat residente rito. Gayundin ang patubig na magpapagaan sa kanilang pag-iigib sa malalayong pinagkukuhanan ng tubig na ipinagpasalamat ng kanilang buong tribu.

Ang Sitio Puting Bato na isang dating guerilla base ng mga komunistang grupo na sa mahabang panahon ay ginamit at nilinlang ang mga katutubo para sa kanilang maling ideolohiya at pakikipaglaban ay tuluyang nawakasan at nawala ang kanilang presensiya dahil sa pagsisikap ng kasundaluhan at kapulisan na siyang nagdala rin ng iba’t ibang proyekto sa kanilang lugar sa ilalim ng programang Revitalized-Pulis sa Barangay.

Ito ang naging daan upang matagumpay na maipatupad at maipatayo ang mga nasabing BDPs sa ilalim ng pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) program at Davao de Oro Oplan Pagbabago-ELCAC sa ilalim ng pangangasiwa ni Hon. Governor Tyron Uy na siyang nanguna rin sa nasabing aktibidad.

Kabilang din sa mga dumalo sina PBGen Edgar Allan O Okubo, Deputy Regional Director for Administration; PCol Leonard L Luna, Provincial Director, Davao de Oro Police Provincial Office; Hon. Maricar Zamora, Congresswoman, DDO 1st District; Mayor Lema Bolo, Compostela; PMaj Rowena Jacosalem, R-PSB Overall Coordinator; PLt Ramil Anthony Maxey, R-PSB Puting Bato Cluster 3 Team Leader; PLtCol Grecel A Sagpang, DPDA, Davao de Oro PPO; PLtCol Darwin B Dur, Force Commander, 1st DDOPMFC; PLtCol Constancio A Lampitok, Chief, Logistics Section DDOPPO; PMaj Jess Anthony B Maghirang, Chief, PCAD; PMaj Jayson L Baria, COP, Compostela MPS at LTC Julius M Munar, Commander, 66th IB PA.

Walang ibang hangad ang ating pamahalaan sa tulong ng ating kapulisan at kasundaluhan kundi ang maghatid ng malaking kaginhawaan sa bawat IP Community lalo na sa mga dating conflicted-affected areas na ngayon ay malaya na sa impluwensya ng mga komunistang grupo.

####

Panulat ni Police Corporal Mary Metche A Moraera – RPCADU 11

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles