Ang Human Rights Day ay isang malaking araw nang pagdiriwang para sa mga nag aadhika at nagbabandila ng karapatang pantao. Isinasagawa ito tuwing December 10 taun-taon ng mga bansang kumikilala at nagtataguyod sa human rights.
Dito sa ating bansa, sinasamantala ng mga komunistang grupo ang pagdiriwang ng araw na ito upang gumawa ng mga demonstrasyon na naglalayong siraan, kulapulan ng propaganda at wasakin ang imahe ng pamahalaan.
Kaya napakalaking kasinungalingan ang ipinapakalat ng mga militanteng grupo sa ilalim nang pagkumpas ng CPP-NPA-NDF na sila ay mga advocates ng Human rights!
Noong December 10, 2020, Human Rights Day, araw ng Huwebes, tinambangan ng mga teroristang New People’s Army ang isang police vehicle na naghatid lamang ng isang detainee sa korte sa bayan ng Basey, Samar. Pinaulanan ng mga manliligalig ng bala ang sasakyan ng mga pulis bandang 12:56 PM sa kahabaan ng National Highway, Barangay Logero, Marabut, Samar. Sa unang bugso ng mga punglo ay tinamaan si PCpl Lawrence Yrl A. Hembra, isang Registerd Nurse, na nagsilbing escort ng detainee na si Nestor Lumagpas, Jr. Tinamaan din ang huli ng bala subalit si PCpl Hembra ang napuruhan dahil bilang escort ay sinikap niyang iligtas ang detainee mula sa umuulang bala mula sa mga NPA. Agad na tumakas ang mga tumambang nang mahinuhang nagtagumpay ang kanilang pataksil na pag-atake. Mabilis na isinugod sa pagamutan si PCpl Hembra na ideneklarang Dead-on-Arrival dahil sa mga malubhang tama sa katawan. Ligtas naman ang detainee na si Lumagpas. Nakaligtas din ang mga kasamahan ni Hembra na sina Pat Joseph Ricky G. Gacgacao at PCpl Jerome J Distrajo na walang tinamong pinsala bunga nang pananambang.
Agad na ipinag-utos ni PGEN DEBOLD M SINAS, Chief PNP noon, ang pagtugis sa mga manliligalig. ” We mourn the loss of another brother-in-arms, Police Corporal Earl Hembra who offered the supreme sacrifice in the service of our country and people. His death came while performing his duty as an officer and law enforcer. The PNP joins the Filipino civil society in strongest condemnation of this latest manifestation of disregard for human life by the communist New People’s Army with its continues use of internationally- outlawed landmines to further propagate the communist cause to topple government and sieze power thru terror and violence.”, ang mariin niyang pahayag.
Wala na si PCpl Hembra, isang nurse na may magandang pangarap na kinabukasan para sa mamamayang pinaglingkuran. Wala na rin ang kanyang mga ngiti at malulutong na halakhak na magiging masasayang alaala na lamang nang pakikitungo sa kapwa, mga kasamahan at kasapi ng pamayanan. Hindi na rin muling mauulinigan ang kanyang tinig…subalit ang malinaw na katotohanan, patuloy pa rin nating maririnig sa mga lansangan, sa Mendiola, sa mga paaralan ang sigaw nang paggalang sa Karapatang Pantao. Mga sigaw nang pagkukunwari mula sa mga tutoong violators ng karapatang pantao, mga ipokrito at mapagbalatkayong nilalang na sumisigaw ng karapatan ngunit nagdiriwang habang pinapaslang ng mga NPA ang mga inosenteng tribal leaders, mga lumad, mga anti-communist advocates, mga kagaya ni PCpl Hembra, mga sundalo at simpleng mamamayan! Paalam PCpl Hembra, saludo para sa iyo at sa mga Pilipinong nagkakaisa upang durugin na ang mga terorista. -PLT Robert Fabregas