Agad na rumesponde ang mga kapulisan ng Tabuk City Police Station sa pangunguna ni PLT Ryan C. Antonio sa isang ulat ng isang concern citizen na may natagpuang bankay ng lalaki sa kanal ng irigasyon sa Maledda, Ipil, Tabuk City, Kalinga noong January 11, 2022.
Sa pagtutulungan ng mga tauhan ng Special Action Force (SAF), 1st Kalinga Police Mobile Force Company (KPMFC), Bureau of Fire Protection (BFP) Tabuk, Kalinga Police Crime Laboratory Office (KPCLO) at mga residente, narekober ang bangkay ng isang lalaki na nakasuot ng orange t-shirt at itim na short pants na nakitang lumulutang sa irigasyon at dinala sa TAMPCO Funeral Care, Appas, Tabuk City, Kalinga para sa pagsasagawa ng postmortem examination
Bandang alas-6:30 ng gabi, ang natagpuang bangkay ay positibong kinilala ng kanyang pamilya na si Abel Balinsong Jaramillo, 19 taong gulang, binata, construction worker at residente ng Barangay Santos, Quezon, Isabela.
Pinili ng pamilya na iuwi ang mga labi sa kanilang tirahan dahil naniniwala sila na ito ay isang aksidente at walang indikasyon na ang pangyayari ay sangkot sa kriminal o maling gawain.
######