Victorias City, Negros Occidental – Nagsagawa ng bamboo tree planting activity ang mga tauhan ng Victorias City PNP kasabay ng pagdiriwang ng Environment Week na may temang: “Only One Earth,” nitong Hunyo 21, 2022 sa Barangay 13, Victorias City, Negros Occidental.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng Victorias City Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Joseph A Fajardo Jr., Officer-in-Charge, kasama ang Victorias City Environment and Natural Resources Office (VCENRO) sa pangunguna ni Ms. Lara Ann Garcia, Special Operation Officer IV, at ng mga kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Teams, na may layuning pagandahin ang ilog at maprotektahan ang mag residenteng nakatira malapit dito sakaling magkaroon ng malakas na baha.
Lumahok din sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Victorias City Local Government Unit sa pamumuno ni Mayor Francis Frederick P. Palanca; DEP-ED personnel sa pangunguna ni Ma’am Portia M. Mallorca, School Division Superintendent; Bureau of Jail and Management Penology at mga stakeholder ng nasabing lungsod.
Samantala, nagpasalamat naman si PLtCol Fajardo Jr., sa lahat ng mga nakiisa at dumalo sa aktibidad. Aniya, naging matagumpay ang aktibidad sa mainit na suporta ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga Advocacy Support Groups. At hinimok pa ang mga residente na maging responsable at tumulong sa pangangalaga sa kalikasan.
###