Monday, November 25, 2024

Balik-loob Caravan isinagawa ng Cagayan PNP

Gonzaga, Cagayan – Nagsagawa ng Balik-loob Caravan ang Cagayan PNP sa Gonzaga People’s Gymnasium, Brgy. Smart, Gonzaga, Cagayan noong Abril 19, 2022.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Renell Sabaldica, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa ilalim ng Duterte Legacy Caravan.

Nasa 80 na dating rebelde at iba pang residente ng nasabing barangay ang nabigyan ng iba’t ibang buto ng gulay, 100 COVID-19 health kits, 100 relief packs, at 100 baskets ng iba’t ibang puno.

Nasa 102 na bata naman ang nakatanggap ng bagong pares ng tsinelas na parte ng programang “Pabirthday ni PD Manoy”.

At 150 residente naman ang nabigyan ng feeding program ng Gonzaga Police Station.

Nagbigay ng lecture si Mr. Rey Addatu ng National Intelligence Coordinating Agency na nakasentro sa pagbubunyag ng mga ilegal na aktibidad at panlilinlang ng teroristang grupo.

Ibinahagi at inialok din ng Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment at TESDA ang kanilang mga programa at serbisyo sa mga dumalo sa aktibidad.

Naghandog naman ng libreng serbisyo o kunsultasyon ang Public Attorney’s Office ng Gonzaga na pinangunahan ni Atty. Ma Carina U Zamonte, Officer-in-Charge, Atty. III.

Samantala, pinasalamatan ng Cagayan PNP ang Philippine Army, DTI, DA, TESDA, DILG, LGU, NICA, DOLE, DSWD at DENR na siyang naging katuwang nila upang matagumpay na maisakatuparan ang aktibidad.

Siniguro naman ng PNP na magpapatuloy ang kanilang mga programa kasama ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang mailapit sa mga mamamayan ang mga programa at inisyatibo ng pamahalaan.

Hinikayat din ng organisasyon ang mga dating rebelde na kumbinsihin ang mga natitira pa nilang kasamahan at mga kakilalang sumusuporta sa teroristang grupo na sumuko na at magbalik-loob sa gobyerno.

Source: Cagayan PPO

###

Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles