San Juan, Siquijor – Muling pinasinayaan at pormal nang naiturn-over ang bahay sa proyektong “Balay Mo, Gasa Ko Project” ng mga tauhan ng San Juan Police Station sa Barangay Catulayan San Juan, Siquijor nito lamang Miyerkules, Hulyo 27, 2022.
Pinangunahan ng Acting Chief of Police ng San Juan Police Station na si Police Lieutenant Benjamin J Fuentes Jr., ang blessing at turn-over ceremony na siyang pormal na dinaluhan ni Police Colonel Robert Lingbawan, Siquijor Provincial Director, kasama sina Police Lieutenant Colonel Abdulnasser Dimaporo at si Rev. Fr. Lyndon B. Zerna bilang officiating priest.
Dumalo rin sa naturang aktibidad sina Municipal Mayor Hon. Wilfredo Capundag Jr., Vice-Mayor Hon. Rubilyn Ragay, Board Member Brylle Deeiah, Ms. Phoebe Lace Lingwan, SP Committee Chairperson on Social Services, Provincial Advisory Group-SPPO Chairperson, SB Member, Municipal Advisory Group, MAG, Youth for Peace El Fuego Chapter Mr Dex Magtahas, Mr. Rodolfo Tompong Jr. (KKDP President) Barangay Based Organization, Sponsors/stakeholders at iba pang mga grupo ng adbokasiya.
Ayon kay Police Lieutenant Fuentes Jr, naitayo ang bahay sa pagkakaisa ng mga tauhan ng San Juan Police Station at sa tulong na rin ng mga stakeholders na nagpaabot din ng kanilang mga ayuda.
Dagdag pa ni Police Lieutenant Fuentes, opisyal na tinanggap ng recipient ng “Balay Mo, Gasa Ko Project” na si Tatay Roger Anan ang kanyang bahay na may kasamang isang sakong bigas at groceries.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat si Tatay Roger Anan bilang pangalawang benepisyaryo ng naturang programa at kanyang pamilya sa mga pagsisikap, tulong na ginawa at ipinagkaloob ng kapulisan ng San Juan Police Station at iba pang volunteers.
Hangad ng San Juan PNP na maghatid ng tulong at ginhawa sa bawat mamamayan lalong lalo na sa mga residente ng San Juan, Siquijor na walang kakayahan na magpatayo ng sariling bahay.
###
Panulat ni Patrolwoman Jenilyn Consul