Sultan Kudarat, Maguindanao – Ginulantang ng malakas na pagsabog ang residential compound ng isang Barangay Chairman sa bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao, nito lamang Linggo, Mayo 15, 2022.
Ayon kay PLtCol Sabri Lakibul, Chief of Police ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, ang nasabing pambobomba sa bakuran ni Guiaber Dalindingan, Chairman ng Brgy. Crossing Simuay ay kaugnay pa rin sa ginanap na halalan noong Mayo 9, 2022 na lubos na nagdulot ng takot sa lugar.
Sinasabi ng mga lokal na lider na suportado ni Guiaber ang kandidatura ng Sultan Kudarat Mayor-elect na si Tucao Mastura ngunit nagalit ang marami sa kanyang nasasakupan sa pagbaliktad at pagpabor nito sa isang karibal na kandidato.
Nakipag-ugnayan na rin ang mga imbestigator sa mga opisyal ng barangay para mapabilis ang pagtukoy sa mga salarin at upang magkaroon ng dagdag na seguridad sa lugar.
###
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia