Lamitan City – Nagsagawa ng BAHAYnihan Turn-over Ceremony ang Lamitan City Police Station sa isang pamilya sa Brgy. Look, Lamitan City, Basilan nito lamang ika-21 ng Nobyembre 2022.
Ang proyektong ito ay isang collaborative project ng Lamitan PNP sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Arlan Delumpines, Chief of Police at Kabalikat Civicon 824 sa pamumuno ni Mr. Oligarioi Puyawan katuwang si Hon. Kennybel Flores City, Konsehal, Provincial EOD and Canine Unit Basilan at Lamitan City Social Welfare and Development Office.
Nagsimula ang proyekto noong Setyembre 17, 2022 na naglalayong tumulong at makapagbigay ng tirahan sa pinakamahihirap na pamilya sa Barangay Look, Lamitan City.
Samantala, ang aktibidad ay alinsunod sa programa ng Hepe ng Pambansang Pulisya na si Police General Rodolfo S Azurin Jr, na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na naglalayong mas mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad para sa mas ligtas at maayos na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz