Lamitan City, Basilan – Nagsagawa ng BAHAYnihan Community Outreach Program ang mga tauhan ng Lamitan City Police Station sa Brgy. Look, Lamitan City, Basilan noong ika-17 ng Setyembre, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Arlan Delumpines, Officer-In-Charge ng Lamitan CPS, katuwang sa nasabing aktbidad ang Kabalikat Civicom, Provincial Explosive Ordnance and Canine Unit Basilan at Lamitan City Social Welfare and Development.
Dagdag pa, dalawang pamilya ng Barangay Look ang naging benepisyaryo ng BAHAYnihan Project na kung saan ay napamahagian sila ng food packs, mga damit, hygiene kit at bukod pa rito ay ang pagsasaayos ng kanilang tirahan.
Ang BAHAYnihan ay kaugnay din ng Filipino Values na “Malasakit” na alinsunod sa Peace and Security Framework MKK=K ng ating Hepe ng Pambansang Pulisya na ang layunin ay magbigay ng tirahan at kabuhayan sa mga walang tirahan o pinakamahihirap sa mga lugar na lubhang apektado ng pandemyang ating kinakaharap.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz