Sa patuloy na pananalanta ng Bagyong Kristine sa buong bansa at sa lalawigan ng Batangas, matinding pag-ulan at hangin man ang dala nito na pumipinsala sa kabahayan at kabuhayan ng mga Batangueño, hindi pa rin tumitigil ang kapulisan ng Batangas PPO sa pagtugon, responde at pagbantay sa ating mga mamamayang apektado ng Bagyo.
Ayon sa datos na hawak ng Batangas PNP simula Oktubre 21-23, 2024. Umabot na sa 2,199 na pamilya ang lumikas na may kabuuang 7,763 indibidwal mula sa iba’t ibang parte ng lalawigan. 713 evacuation centers ang hinanda ng lokal na pamahalaan at 98 na rito ang kasalukuyang ginagamit na ng mga residente.
Dahil sa sunod-sunod na pag-ulan, tatlong (3) barangay na rin ang lubog sa baha, siyam (9) nito ay may unpassable roads, isa (1) na unpassable bridge. 157 barangay naman ang nawalan ng kuryente dahil na rin sa matinding hangin dala ng bagyo. Ang lahat ng byaheng pang-dagat sa siyam (9) na daungan ng Batangas ay nakasara na rin at hindi na pwedeng byumahe.
Hindi tumitigil ang buong pwersa ng PNP at nagpakalat na rin ng nasa mahigit 110 mula sa Batangas PNP para panatilihing ligtas ang ating mga kababayan. Naka-alerto din ito 24 oras upang magresponde, patrolya at tumugon sa mga kababayan nating nangangailangan. Nakahanda rin ang pwersa ng Batangas PNP na tumulong sa mga karatig bayan.
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales