Baguio City – Nakiisa ang Baguio City Police Office sa idinaos na Kick-off Ceremony ng Fire Prevention Month 2023 sa Harrison Rd, Melvin Jones Grandstand, Baguio City nito lamang Miyerkules, Marso 1, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Bureau of Fire Protection katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng National Police Commission, Bureau of Jail Management and Penology, Department of the Interior and Local Government, Office of Civil Defense Cordillera at Criminology Interns mula sa Unibersidad ng Baguio.
Ito ay pinasinayaan ni Commissioner Albert A. Mogol, Retired Regional Director ng OCD-CAR na sinundan ng Motorcade sa siyudad ng Baguio.
Ang Fire Prevention Month 2023 ay may temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa”, na naglalayong paigtingin ang preventive measures sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Fire Drills at Education Campaigns para makapagbigay ng karagdagang kaalaman sa sunog sa iba’t ibang organisasyon sa buong lalawigan.
Ito ay kaugnay sa Presidential Proclamation No. 115-A, kung saan idineklara ang Marso bilang Fire Prevention Month dahil ayon sa PAG-ASA, ito ay ang panahon na umaangat ang temperatura at tumataas din ang panganib ng sunog.
Source: Baguiuo City Police Office