Opisyal nang nanumpa ang bagong Provincial Director ng Surigao del Norte Police Provincial Office na si Police Colonel Warren Ejem Dablo sa isinagawang Turn-Over Ceremony sa Surigao City nito lamang Enero 4, 2025.
Pinangunahan ni Police Colonel Lebanan, Officer-In-Charge ng Police Regional Office 13, ang Change of Command Ceremony.
Dumalo sa nasabing seremonya si Atty. Christopher Tripoli, ang Provincial Legal Officer na kumatawan kay Hon. Robert Lyndon S. Barbers, Gobernador ng Lalawigan.
Nakasama rin ang mga opisyal ng Probinsya at ang mga Chiefs of Police mula sa lungsod at mga bayan ng Surigao del Norte.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni PCol Lebanan ang kahalagahan ng maayos na paglipat ng pamunuan at ang patuloy na pagbibigay ng serbisyo na taglay ang dedikasyon at malasakit sa bayan.
“The arrival of our new Provincial Director underscores the values of continuity, dedication, and community service. This turnover ceremony serves as a reaffirmation of our unwavering commitment to upholding peace, security, and justice. I have full confidence in the ability of our newly appointed officers to lead with integrity, compassion, and professionalism,” ani PCol Lebanan.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin