Cebu City- Masigasig na tinanggap ni Police Brigadier General Anthony Aberin ang responsibilidad bilang bagong talagang Regional Director ng Police Regional Office 7 sa ginanap na Turn-Over of Office Ceremony sa Camp Sergio Osmeña Sr., Cebu City, nitong Lunes, Marso 20, 2023.
Ang seremonya ay pinangunahan ni Police Lieutenant General Patrick Villacorte, Commander ng Area Police Command-Visayas, na dinaluhan ng mga miyembro ng PRO 7 Command Group, Regional Staff, Chief Regional Support Unit, mga pamunuan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mga miyembro ng Advocacy Support Groups, Force Multipliers, Media Practioners, at iba pa.
Si PBGen Aberin ay ang dating Director ng PNP Aviation Security Group na humalili kay PBGen Jerry Bearis na nanungkulan sa rehiyon 7 sa loob ng dalawang buwan at dalawampu’t limang araw.
Ang dalawang matataas na opisyal ay kapwa kabilang sa PNPA Class 1993 – Tagapaglunsad.
Sa mensahe ng Hepe ng Pambansang Pulisya na ipinarating ni PLtGen Villacorte, kanyang pinuri ang mga makabuluhang tagumpay ng mga opisyal at umaasa na kanilang ipagpapatuloy ang mahusay na pagganap ng tungkulin sa kanilang bagong katungkulan.
“To PBGen Bearis and PBGen Aberin, congratulations to both of you, for this new journey in your respective careers. I am confident that both of you will continue to serve with honor, excellence, and dedication in your new roles,” saad ng opisyal.
“To all officials of Police Regional Office 7, I urge you to extend your full support and cooperation to your new commander. Let us work together towards our common goal of ensuring the protection, order, and peace in our communities and the country as a whole,” dagdag pa nito.