Tuloy-tuloy sa pag-arangkada ang Bagong Pilipinas sa Barangay na isinagawa ng mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 3 katuwang ang Pandi PNP na ginanap sa Pandi, Bulacan nito lamang Linggo, ika-25 ng Pebrero 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Alex M Apolonio, Officer-in-Charge ng RPCADU 3 kasama si Police Colonel Ricardo M David, Chief, Operation Management Division ng Police Community Affairs and Development Group.
Tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng grocery packs tulad ng delata, bigas, noodles, bottled water at iba pa.

Bukod pa dito ay nagbahagi rin ng kaalaman ang nasabing grupo patungkol sa masamang naidudulot ng ilegal na droga sa katawan at nagsagawa din sila ng zumba at kantahan kasama ang mga residente ng nasabing lugar.
Ang aktibidad ay naging maayos at matagumpay sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga residente, kapulisan at iba pang ahensya ng pamahalaan alinsunod sa “Bagong Pilipinas” na kasalukuyang isinusulong ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera