Umarangkada na sa Barangay Poblacion, Kauswagan, Lanao del Norte ang Bagong Pilipinas sa Barangay upang magbigay ng libre at malawakang serbisyo sa mga residente nito lamang Pebrero 24, 2024.
Matagumpay na naisagawa ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga tauhan ng Lanao Del Norte Police Provincial Office sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Sandy S Vales, Provincial Director kasama ang mga tauhan ng Kauswagan Municipal Police Station, Local Government Unit ng Kauswagan, mga opisyal ng Barangay at iba pang stakeholders.

Tampok sa aktibidad ang pagsasagawa ng libreng gupit, feeding program, pamimigay ng iba’t ibang gamit tulad ng food packs, tsinelas at 5 kilos na bigas at groceries sa 100 na napiling benepisyaryo.
Nagkaroon din ng talakayan tungkol sa Anti-Terrorism, Anti-illegal Drugs at GAD/Crime Prevention Awareness, at namahagi ng mga leaflet hinggil sa pag-iwas sa krimen at mga tip sa kaligtasan.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayon na tulungan ang mga miyembro ng komunidad sa pamamagitan ng mga pangunahing serbisyo at inisyatibo mula sa PNP, LGU at iba pang ahensya ng gobyerno at stakeholders.
Dagdag pa rito, ito ay nagpapakita ng pagtutulungan at pagsisikap upang makamtan ang isang mas maunlad na bansa sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.
Panulat ni Pat Rizza C Sajonia