Isabela – Pinasinayaan at binasbasan ang bagong himpilan ng Tumauini PNP sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Charles Cariño na ginanap sa Brgy. San Pedro, Tumauini, Isabela noong ika-10 ng Mayo 2023.
Pinangunahan ang aktibidad ni Regional Director Police Brigadier General Percival Rumbaoa at Mayor Venus T. Bautista kung saan binasbasan ang 3 storeys standard police station building.
Ang naturang himpilan ay pinondohan ng PNP DPWH Covergence Tatag Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad Program (TIKAS) na nagkakahalaga ng Php15,995,847.70.
Inumpisahan ang paggawa noong Pebrero 2022 at nagtapos ngayong buwan ng Mayo, taong kasalukuyan.
Sa pahayag ni RD Rumbaoa ay pinasalamatan niya ang Lokal na Pamahalaan ng Tumauini na inuuna ang pangangailangan ng kapulisan sa pamamagitan ng proyekto.
Dumalo din sa aktibidad si Police Colonel Julio Go, Provincial Director at iba pang kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Tumauini.
Dagdag pa ni RD Rumbaoa na ang proyektong ito ay sumisimbolo ng pagkakaisa at dedikasyon para sa pagiging epektibo ng kapulisan sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang alagad ng batas.
Hinimok din niya ang mga kawani ng Tumauini LGU at iba pang sektor ng lipunan na makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bayan.
Source: Police Regional Office 2
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos