San Andres, Catanduanes – Tuloy-tuloy pa rin ang pag-arangkada ng PNP Adopt a Family Program hatid ng Catanduanes PNP sa Brgy. San Andres, Catanduanes nitong June 14, 2022.
Muling nagbigay ng ngiti at saya ang Catanduanes 1st Provincial Mobile Force Company 3rd Platoon Codon Detachment sa pangunguna ni Police Lieutenant Rhandy Rapesora, Platoon Leader sa pamilyang Socao, bit-bit ang bagong bisekleta na regalong handog sa bunsong anak ng pamilya na si Alden.
Matatandaan na una ng hinandugan ng Catanduanes PNP ng pangkabuhayan ang pamilya kung saan napag-alaman na ang kanilang padre de pamilya ay hindi makapagtrabaho ng maayos dahil medyo paralisado ito, maliban dito pinatayuan din sila ng comfort room at kinumpuni ang kanilang munting tahanan.
Sa tulong at pagkakaisa ng mga stakeholders at Cantanduanes PNP naisakatuparan ang lahat ng ito, maging ang bagong bisekletang handog kay Alden at karagdagang groceries items para sa pamilya.
Labis naman ang pasasalamat ng pamilya sa kanilang mga natanggap at serbisyong may malasakit at pagmamahal na kanilang naramdaman sa hanay ng PNP.
Source: Catanduanes 1 PMFC
###
Panulat ni Police Corporal Cristopher Ignacio