Numancia, Aklan– Pinasinayaan ng mga tauhan ng Numancia Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Fidel Gentallan ang Bagong “Balay Silangan” sa Bayan ng Numancia nitong Biyernes, April 1, 2022.
Naging posible ang proyekto sa tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Numancia sa pamumuno ni Mayor Jesserel Templonuevo, at ng Philippine Drug Enforcement Agency, bilang bahagi at kaakibat sa mga hakbang ng pamahalaan na magkaroon ng “Balay Silangan Reformation Center” at upang maideklarang Drug- Cleared ang kanilang bayan.
Layunin din nitong matulungan at kupkupin ang mga personalidad na nasangkot sa paggamit, pagtutulak, at pagbebenta ng ilegal na droga, at sila ay linangin para maging mga kapaki-pakinabang na miyembro sa ating lipunan.
Katuwang ang Technical Education Skills and Development Authority at ng iba pang pribadong sektor, ang Balay Silangan ay magsasagawa ng isang buwang pagsasanay na teknikal at moral recovery enhancement para sa ating mga kapatid na nangangailangan ng alalay sa pagbabago.
Kabilang sa mga dumalo sa naturang aktibidad sina Police Lieutenant Colonel Alvin Balio, Deputy Provincial Director for Administration, sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Crisaleo R Tolentino PD, ng Aklan Police Provincial Office; Alex M Tablate, PDEA Regional Director; Mr Jesserel T Templonuevo, Municipal Mayor; Reverend Father Vincent Cahilig ng St. Joseph the Worker Parish Church; mga tauhan ng Numancia MPS, at iba pang mga lokal na opisyal at mga Punong Barangay ng parehong munisipalidad.
Tiniyak naman ni PMaj Gentallan na palaging bukas ang kaniyang himpilan at nakahandang tumulong sa lahat ng mga nangangailangan lalong lalo na sa mga taga Numancia.
###
Congrats salamat sa mga awtoridad