Arestado ang isang babaeng wanted person sa isinagawang operasyon ng Iligan City PNP sa paglabag sa RA 9165 sa Purok 6, Barangay Tambo, Hinaplanon, Iligan City, Lanao del Norte nito lamang umaga ng Abril 8, 2025.
Kinilala ni Police Captain Reiner Escalante, Officer-In-Charge ng Iligan City Police Station 1, ang suspek na si “Ylaya”, 32 anyos, single, isang baker, at residente ng nasabing lugar.
Bandang 8:50 ng umaga nang isagawa ng Tracker Team ng Iligan City Police Station 1, ang operasyon na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto alinsunod sa SIMACHO na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang Iligan PNP sa walang humpay na kampanya laban sa kriminalidad upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa lungsod.