Arestado sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng Marcos Municipal Police Station ang isang babaeng wanted sa kasong Estafa sa Brgy. Mabuti, Marcos, Ilocos Norte nitong Lunes bandang 10:20 ng umaga, ika-18 ng Disyembre 2023.
Kinilala ni Police Colonel Julius Suriben, Provincial Director ng Ilocos Norte Police Provincial Office, ang suspek na si Laurene Anno Melandres Dahilig, 29 at residente ng Brgy. Mabuti, Marcos, Ilocos Norte.
Ayon ka PCol Suriben, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Estafa kaugnay ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 na may inirekomendang piyansa na Php60,000.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay isang patunay ng epektibong pagganap ng mga kapulisan ng kanilang mandato na hulihin at tugisin ang mga taong may pananagutan sa batas.
Source: Marcos Municipal Police Station
Panulat ni PSSg Bader Ceasar Ayco