Davao de Oro (December 10, 2021) – Arestado ang isang babaeng Most Wanted at dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos ang matagumpay na operasyon laban sa suspek ng pinagsamang tauhan ng Laak Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit Davao De Oro Police Provincial Office (PIU-DOPPO), at 2nd Davao De Oro Provincial Mobile Force Company sa Monkayo Davao de Oro noong Disyembre 10, 2021.
Inihain ang warrant of arrest sa pagtutulungan ng tauhan ng Laak Municipal Police Station sa pangunguna ni PLtCol Jerry T Cabag, Officer-in-Charge, kasama ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit Davao De Oro Police Provincial Office (PIU-DOPPO) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Clifford John Nabor, Chief PIU DOPPO at PLtCol Yamcee Butch S Golocan, Force Commander 2nd Davao De Oro Provincial Mobile Force Company.
Ang suspek ay kinilalang si alyas “Lanie”, 34 taong-gulang, walang asawa, residente ng Brgy. Sabud, Laak, Davao de Oro.
Si alyas “Lanie” ay dating miyembro ng Dismantled Guerilla Front 33 bilang isang medic at may kasong Multiple Attempted Homicide na may Criminal Case no.1075 dated October 28, 2020 na inilabas ni Hon. Maria Sophia T. Palma Gil-Torrejos, Presiding Judge ng 11th Judicial Region, Municipal Trial Court Laak, Laak, Davao de Oro.
Nasa kustodiya na ngayon ng 25th Infantry Batallion Philippine Army, Monkayo, Davao de Oro ang suspek para sa tamang disposisyon.
####
Panulat ni: Police Corporal Mary Metchy Moraera
Good job PNP
Galing ng mga awtoridad..saludo po kami
Good job PNP.. mabuhay!
mabuhay ang PNP! ipagpatuloy ang mga magagandang gawain para sa kapayapaan ng ating bansa! GOD Bless!