Camarines Norte – Timbog ang isang babaeng tulak ng ilegal na droga at miyembro ng Rey Gutierrez Criminal Group sa ikinasang buy-bust operation ng Camarines Norte PNP sa Purok 7-A, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte nito lamang Hulyo 18, 2023.
Kinilala ni Police Major Jayson Manuel, Hepe ng Parcale MPS, ang suspek sa alyas na “Alma”, 30, dalaga, aktibong miyembro ng noturyos na Rey Gutierrez Criminal Group at kabilang sa listahan ng Drug Related Data Integration Generation System (DRDIGS).
Ayon kay PMaj Manuel, bandang 11:10 ng gabi ng isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na mga operatiba ng Paracale MPS, Camarines Norte Provincial Intelligence Unit at PDEU CNPPO at sa pakikipag-ugnayan sa PDEA- Camarines Norte Provincial Office.
Nakumpiska mula sa suspek ang tatalong (3) piraso ng selyadong plastik na pakete ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na dalawang (2) gramo at street value na Php13,600.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ng Camarines Norte PNP ay isa lamang sa resulta ng walang tigil at mas pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga upang mahuli ang mga taong nagbebenta nito.
Source: Paracale Mps Cnppo