Arestado ang isang babae na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa kasong Attempted Murder sa isinagawang manhunt operation ng 1st Provincial Mobile Force Company ng Misamis Occidental katuwang ang Philippine Army at Oroquieta City Police Station nito lamang ika-26 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Kaddafy P Bitor, Officer-In-Charge ng Misamis Occidental 1st Provincial Mobile Force Company, ang naarestong suspek na si alyas “Wowie”, 52 anyos, babae at residente ng Purok 7, Barangay Lalud Don Victoriano, Misamis Occidental.
Nahuli ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Murder na may docketed number na 29-2022 na inisyu ni Honorable Gemabell Laplap Manisan, Presiding Judge ng Municipal Circuit Trial Court, 10th Judicial Region, Calamba-Baliangao Misamis Occidental.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad at magkaroon ng maunlad na Bagong Pilipinas.