Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Pabanog, Paranas, Samar nito lamang ika-15 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alex C Dang-Aoen, Force Commander ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company, ang nagbalik-loob na si alyas “Nica”, 26 anyos, residente ng Barangay Nawi, Paranas, Samar at miyembro ng Yakal Platoon SRC-BROWSER.
Ang matagumpay na pagbabalik-loob ay resulta ng pakikipag-negosasyon ng pinagsamang mga tauhan ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company at 124 Special Action Company, 12 Special Action Battalion, PNP-SAF, kasama ang Regional Intelligence Unit 8 at 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.
Nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at grocery items mula sa mga kapulisan.
Ang nasabing sumuko ay nasa kustodiya na ng 2nd Samar PMFC para sa facilitation ng kanyang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Hinihikayat ng 2nd Samar PMFC ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs na iwaksi ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa pamahalaan upang patuloy na sumuporta sa mga programa ng ating gobyerno tungo sa pagkamit ng isang payapa, ligtas, at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian