Camarines Norte – Nagbalik-loob ang isang babaeng miyembro ng CTG sa pinaigting na mga operasyon at programa ng PNP at AFP laban sa CPP-NPA-NDF sa Purok 1, Barangay North Poblacion, Jose Panganiban, Camarines Norte nito lamang Abril 25, 2023.
Kinilala ang nagbalik-loob na si alyas “Neng”, 53, may asawa, residente ng Purok 4, Barangay San Isidro, Jose Panganiban, Camarines Norte at aktibong miyembro ng L1, KP1 sa ilalim ng kumand ni Armando Catapia.
Nagbalik- loob ang nasabing rebelde sa Jose Panganiban MPS sa pangunguna ni PMaj Ace Flores, Hepe ng nasabing himpilan katuwang ang RIU, CNPPO PIU, 9th IB AFP, 2nd CNPMFC at Provincial Tracker Team 1st District.
Ito ay patunay na namulat na ang isipan at damdamin ng mga kasapi ng rebeldeng grupo mula sa baluktot na pakikibaka kung kaya’t nais na nilang talikuran ang maling ideolohiya at gawain.
Samantala, isasailalim ang sumuko sa proseso ng pag-enroll sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Kabilang dito ang pagkakaroon ng cash incentives, educational assistance at paglahok sa mga livelihood programs na magagamit nila sa pagbabagong buhay.
Ang PNP at AFP ay patuloy na nanawagan sa ating mga kababayan na nalihis ng landas dahil sa impluwensya ng maling ideolohiya na magbalik-loob sa gobyerno upang mamuhay ng maayos at mapayapa kasama ang kanilang pamilya.
Source: Camarines Norte PPO