Malasiqui, Pangasinan – Arestado ang isang babae sa kasong Carnapping sa checkpoint operation ng Malasiqui PNP nitong Huwebes, ika-7 ng Abril, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Richmond Tadina, Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office, ang suspek na si Jubele Gonzales y Mendoza, 28, walang asawa, walang trabaho, residente ng Brgy. Cabueldatan, Malasiqui, Pangasinan.
Ayon kay Police Colonel Tadina, bandang 11:45 ng umaga naaresto si Gonzales sa nasabing barangay sa checkpoint operation ng Malasiqui Police Station.
Ayon pa kay Police Colonel Tadina, naaresto si Gonzales sa bisa ng Warrant of Arrest sa paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 (Republic Act 10883) na may rekomendadong piyansa na Php300,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ang Malasiqui PNP ay hindi titigil sa kampanya laban sa kriminalidad para mahuli ang mga taong lumalabag sa batas at upang magkaroon ng maayos at tahimik na pamayanan.
Source: Pangasinan Police Provincial Office
###
Panulat ni Patrolman Viljon Comilang