Davao City – Arestado ang babaeng illegal recruiter sa isinagawang operasyon ng pinagsamang tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Davao City Police Office sa Leon Guerrero St., Brgy 8-C, Davao City, nito lamang Lunes, Marso 21, 2022.
Kinilala ni Police Major Jake Candelaria Goles, Station Commander ng Sta Ana Police Station, ang suspek na si Crystal Morata Barcelita, 36, residente ng Brgy. Comonal, Davao City at kinilala bilang Top 1 Most Wanted Person Regional Level ng CIDG.
Ayon kay PMaj Goles, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ni Hon. Raul Babaran, RTC Branch 19, Cauayan City, Isabela.
Hindi naman titigil ang pamunuan ng Police Regional Office 11 sa pangangasiwa ni Regional Director, PBGen Benjamin Silo Jr na papanagutin ang sinumang may sala sa batas.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara
Congrats nahuli nyo po yan salamat sa nga kapulisan