Arestado si Maria Cristina Gestapo Layang, 33 anyos, isang drug personality sa matagumpay na pagpapatupad ng Search Warrant na isinagawa ng magkasanib na operatiba ng Regional Special Operation Group (RSOG)/Regional Intelligence Division (RID) ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR) sa Baguio City Police Office sa Fairview, Baguio City noong Disyembre 7, 2021.
Nadiskubre ng mga operatiba sa tahanan ng suspek ang sampung (10) plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 5 gramo at nagkakahalaga ng Php34,000, at iba pang drug paraphernalia.
Isinagawa ang pagmamarka at imbentaryo ng mga ebidensyang natagpuan sa presensya ng suspek na sinaksihan ni Prosecutor Oliver Prudencio, Kagawad Richard Jimenez ng Brgy Fairview at Ms. Brigitte Marcasi, kinatawan ng media.
Dagdag pa, ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa kustodiya ng Naguilian Police Station (PS1) para sa kaukulang dokumentasyon habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 para sa pagsasampa laban sa kanya.
Napag-alaman sa mga lumabas na ulat na ang suspek ay dating sangkot at naaresto noong Agosto 4, 2019, para sa parehong paglabag at kabilang sa listahan ng Regional Top 10 Illegal Drug Personalities (RTTIDP) ng Police Regional Office Cordillera.
#####
Panulat ni: Police Corporal Amyl Cacliong
Good job PNP..
Galing ng mga alagad ng Batas
Serbisyong Tapat