Saturday, November 23, 2024

Babaeng Combatant na miyembro ng NPA, sumuko sa 1st ESPMFC

Dolores, Eastern Samar – Sumuko ang isang babaeng combatant ng NPA sa 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company sa Dolores, Eastern Samar ngayong araw ng Linggo, Abril 17, 2022.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Joy Leanza, Force Commander ng 1st ESPMFC ang sumuko na si alyas “Ka-Jeya”, 17, may live-in partner at residente ng isang outskirt barangay sa Dolores, Eastern Samar.

Si “Ka-Jeya” ay pinalaki umano ng mga magulang na NPA, naging miyembro siya ng Sektor Han Kabataan ng Communist Terrorist Group Pseudo Government sa edad na 14 at naging full time combatant noong siya ay 16. Siya ay kabilang sa Front Guerilla Unit, F-3, SRC ARCTIC, Eastern Visayas Regional Party Committee na kumikilos sa hinterlands ng Dolores at iba pang bulubunduking bahagi ng Samar.

Ayon kay PLtCol Leanza, bandang hapon ng Abril 17 nang makaharap niya si alyas “Ka-Jeya” at ipinahayag ang kanyang taimtim na hangarin na wakasan ang kanyang ugnayan sa NPA.

Ayon pa kay PLtCol Leanza, ang kanyang mga magulang ay sumuko rin sa 1st ESPMFC noong 2021 at sila rin ang humimok sa kanya na sumuko sa gobyerno at umalis sa organisasyong terorista lalo na nang malaman na si “Ka-Jeya” ay kasalukuyang anim na buwang buntis.

Mensahe pa ni PLtCol Leanza, “Itong pagbubunyag ni Alyas “Ka-Jeya” na siya ay na-recruit sa edad na 14 at naging full time combatant sa edad na 16 ay nagpapakita na ang CPP-NPA-NDF ay nagpapalaganap ng pagsasamantala habang ginagamit nila ang mga menor de edad sa armadong labanan laban sa puwersa ng gobyerno. Ito ay alinsunod sa aming pahayag na ang NPA ay talagang numero uno na lumalabag sa International Humanitarian Law.”

Dagdag pa ni PLtCol Leanza, “muli, ako ay umaapela sa ating mga kapatid na NPA na isuko ang kanilang mga armas at gamitin ang alok ng gobyerno upang sila ay mamuhay ng tahimik at normal kasama ang kanilang mga pamilya.”

###

Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles