Pinagbuhatan, Pasig City – Timbog ang isang babae sa ginawang buy-bust ng Pasig City PNP noong nakaraang lunes, Marso 7, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Orlando Yebra Jr, District Director ng Eastern Police District ang suspek na si Raimah Salic y Ampuan/Remma Salic Saripada y Maruhom alyas “Remah”, 24, married, online seller at residente ng Pinagbuhatan, Pasig City.
Ayon kay Police Brigadier Yebra Jr, bandang 4:00 ng hapon nahuli ang suspek sa B7 L26 Aquarius, Centennial 2, Pinagbuhatan, Pasig City sa pinagsanib puwersa ng DDEU, DID, DSOU, DECU-EPD, F2-DMFB EPD, QCDIT RIUNCR-IG, 7th MFC RMFB-NCRPO at ADCOP.
Ayon pa kay Police Brigadier Yebra Jr, nakumpiska kay Salic ang isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php16,500; isang pang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 124.17 gramo na nagkakahalaga naman ng Php844,356; isang brown bag; isang genuine Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money; at 16 pirasong Php1,000 bill bilang boodle money.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ni Police Brigadier Yebra Jr. na ang Pambansang Pulisya ay patuloy na paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga.
Source: NCRPO SMS REF # 3-07-2022-1067
###