Monday, May 12, 2025

Babae na nakuhanan ng Php1.65M sa checkpoint, inaresto sa Nueva Ecija; posibleng vote-buying, tinitingnan

Naaresto ng mga awtoridad ang isang babae matapos makumpiskahan ng Php1,650,000 sa isang COMELEC checkpoint sa Barangay Poblacion West, Science City of Muñoz, Nueva Ecija nitong Sabado, Mayo 10, 2025.

Ayon sa ulat ng Science City of Muñoz Police Station, dakong alas-9:20 ng umaga nang parahin ng mga pulis ang isang Hyundai Accent na minamaneho ng suspek na kinilalang si “Reg,” 38-anyos, may asawa, at residente ng Barangay Calipahan, Talavera, Nueva Ecija.

Habang isinasagawa ang checkpoint, napansin ng mga operatiba ang isang eco-bag sa loob ng sasakyan na bahagyang nakabukas at puno ng salapi. Nang tanungin, inamin ni Reg na naglalaman ito ng Php1.65 milyon ngunit nabigong magpakita ng dokumentong magpapatunay sa pinagmulan at layunin ng nasabing halaga.

Dahil dito, agad siyang inaresto at isinailalim sa imbestigasyon. Inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 28 ng COMELEC Resolution No. 11104, na nagbabawal sa pagdadala ng pera na lampas sa Php500,000 sa panahon ng halalan, maliban kung ito ay may kaukulang dokumentasyon.

Sa pahayag ni Police Brigadier General Jean S. Fajardo, Regional Director ng Police Regional Office 3, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad ng batas sa panahon ng halalan upang mapanatili ang integridad ng proseso.

“Ang pagkakasabat ng malaking halaga ng salapi sa gitna ng election period ay seryosong bagay na hindi natin maaaring ipagsawalang-bahala. Mahigpit ang direktiba ng ating pamunuan na tiyakin ang integridad ng halalan—dapat itong maging patas, malinis, at ligtas,” ani PBGen Fajardo.

Dagdag pa niya, pinaigting ang pagpapatupad ng COMELEC checkpoints hindi lamang sa Nueva Ecija kundi sa buong rehiyon upang maagapan ang anumang tangkang paglabag sa batas.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles