Zamboanga del Sur – Arestado ang isang babae sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Zamboanga PNP nito lamang Hulyo 10, 2022.  Â
Kinilala ni Police Colonel John Francis Encinareal, Regional Chief, Criminal Investigation and Detection Unit 9, ang suspek na si Kristelyn Cayabyab y Lagare, 31 at residente ng Purok Lajoma, Brgy. San Jose, Aurora, Zamboanga del Sur.
Ayon kay PCol Encinareal, bandang 9:30 ng umaga nang naaresto ang suspek sa naturang barangay ng mga operatiba ng CIDU 9 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Estafa.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan. Â
###
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9