Arestado sa pangatlong beses ang isang babae na drug personality sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Cagayan de Oro City PNP nito lamang ika-27 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Colonel Salvador N Radam, City Director ng Cagayan de Oro City Police Office, ang drug personality na suspek na si alyas “Dado”, 46 anyos, residente ng nasabing lugar.
Sa buy-bust operation ay nakumpiska ang apat na mga pakete na hinihinalang shabu na may bigat na nasa 14 na gramo na may Standard Drug aprice na Php95,200; isang cellphone at Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang nadakip na suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
“This successful operation reaffirms PRO 10’s commitment to the eradication of illegal drug activities in the region. Let this serve as a warning to those involved in the illegal drug trade that our efforts are continuous and unwavering,” saad ni PBGen De Guzman.