Bohol – Solidong sinuportahan at nakiisa ang nasa mahigit 600 na indibidwal sa isinagawang BIDA (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan) Roll-out ng Bohol Police Provincial Office na ginanap sa Covered Court, Camp Francisco, Tagbilaran City, Bohol nito lamang Martes, Oktubre 17, 2023.

Ang matagumpay na aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Lorenzo Alfeche Batuan, Provincial Director ng Bohol PPO, katuwang ang iba’t ibang sangay ng gobyerno kabilang na ang DILG R7 – Bohol Province, National Police Commission, Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology at mga Civilian Sector sa naturang lugar.

Tampok sa BIDA roll-out ang Zumba at na sinundan ng fun-walk upang ipakita sa komunidad ang programang BIDA ng DILG na naglalayong paigtingin ang drug demand reduction campaign ng gobyerno at suporta ng komunidad laban sa ilegal na droga.

Samantala, bago matapos ang programa ay isang mensahe ang hatid ng iba’t ibang pinuno ng mga kalahok na ahensya at hinikayat ang mga ito na aktibong suportahan ang kampanya kontra ilegal na droga ng ating gobyerno.