Nagsagawa ang mga tauhan ng Tarlac City Police Station ng Awareness Lecture sa mga mag-aaral ng Suizo Elementary School sa Barangay Suizo, Tarlac City, Tarlac nito lamang ika-31 ng Enero 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Tarlac City Police Station na pinangunahan ni Police Lieutenant Hilda V Duran, WCPD Officer sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Romel M Santos, Chief of Police.
Tinalakay ng mga tagapagsalita ang paksa ukol sa Anti-Rape Law (Republic Act 8353) upang bigyang kaalaman ang mga kabataan na unawain ang tamang pag-uugali at kung paano protektahan ang kanilang sarili laban sa anumang uri ng pang-aabuso o karahasan.
Sa pamamagitan ng ganitong talakayan, napapalakas ang loob ng mga bata na magsalita at humingi ng tulong kung sila ay nakakaranas o nakakakita ng hindi angkop na kilos o pangyayari.
Isa rin itong paraan upang maitaguyod ang kultura ng proteksyon at paggalang sa karapatan ng bawat isa, lalo na sa murang edad.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa paghahatid ng serbisyo at pagbigay ng kaalaman kontra kriminalidad upang magkaroon ng maayos at maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Maurene A Kiaki