Nagsagawa ang mga tauhan ng Dupax Del Norte Police Station ng Awareness Lecture sa mga mag-aaral ng Inengan Elementary School sa Barangay Inengan, Dupax Del Norte noong ika-11 ng Pebrero 2025.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa ng Dupax Del Norte Police Station na pinangunahan ni PEMS Maria A Vinoya, MESPO, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Rudil C Bassit, Hepe ng nasabing himpilan.
Tinalakay ng tagapagsalita ang paksa ukol sa Safe Spaces Act, Road Safety Tips, at Anti-Rape Law at binigyang kaalaman ang mga kabataan kung paano protektahan ang kanilang sarili laban sa anumang uri ng pang-aabuso o karahasan.
Sa pamamagitan ng ganitong talakayan, napapalakas ang loob ng mga bata na magsalita at humingi ng tulong kung sila ay nakakaranas o nakakakita ng hindi angkop na kilos o pangyayari. Isa rin itong paraan upang maitaguyod ang kultura ng proteksyon at paggalang sa karapatan ng bawat isa, lalo na sa murang edad.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa paghahatid ng serbisyo at pagbigay ng kaalaman kontra kriminalidad upang magkaroon ng maayos at maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Source: Dupax Del Norte MPS
Panulat ni PCpl Kelvin Paul Juan