Isinagawa ang Awareness Lecture ng mga tauhan ng Malolos City Police Station sa Barangay Longos, Malolos, Bulacan nito lamang Biyernes, ika-4 ng Abril 2025.
Pinangunahan ito ni Police Lieutenant Colonel Rommel E Geneblazo, Chief of Police ng Malolos City Police Station, katuwang si Pastor Clark Bacasno ng CADHAM Malolos Chapter at Pastor John Santiago ng Malolos City Advisory Group.
Tinalakay sa mga kabataan ang patungkol sa Republic Act 9165 “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, Anti-Bullying, Cyber-Bullying Law at nagkaroon din ng Moral Values Teaching na lubos na kapaki-pakinabang sa mga ito.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ang kabataan ng sapat na kaalaman at pang-unawa hinggil sa mga batas at epekto sa kanilang kalusugan. Sa ganitong talakayan, magiging mas maingat sila sa kanilang mga desisyon at kilos, at higit na magpapakita ng respeto at malasakit sa kapwa.
Patuloy ang Pambansang Pulisya sa pagpapatupad ng mga programa at hakbangin upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng bawat mamamayan, lalo na ng mga kabataan, upang mahubog silang maging responsable at disiplinadong indibidwal na magiging katuwang sa pagtataguyod ng isang ligtas, payapa, at maunlad na lipunan.
Panulat ni Pat Pearl Crystalynne Javier