Nagsagawa ng Awareness Lecture ang mga tauhan ng Bocaue Municipal Police Station sa mga mag-aaral ng Bambang Elementary School, Bocaue, Bulacan nito lamang Biyernes ika-28 ng Marso, 2025.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa Project B.E. C.A.R.E.F.U.L o Barangay Empowerment on Child Abuse Resistance and Elimination Fight Unwanted Lewd Design na may layuning magbigay kaalaman sa mga mag-aaral patungkol sa Sexual Abuse at Gender-Based Violence upang higit nila itong maunawaan.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Manuel C De Vera Jr., Chief of Police ng naturang istasyon.
Ibinahagi sa mga guro at mag-aaral ng Grade 4, 5 at 6 ang tungkol sa Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 (RA 9262), Anti-Rape Law (RA 8353), Anti-Bastos Law (RA 11313) at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act (RA 7610).
Layunin nito na mapalawak ang kaalaman at pang-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa mahahalagang isyu na may kaugnayan sa kanilang buhay at hinaharap.
Sa pamamagitan ng ganitong mga talakayan, nagkakaroon ng tamang impormasyon, mas nagiging responsable sa kanilang mga desisyon, at nahahasa ang kanilang kakayahang makibahagi sa mga usaping panlipunan.
Patunay lamang ito ng pagsisikap ng Pambansang Pulisya upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa buong bansa. Sa pamamagitan ng masigasig na pagpapatupad ng batas, paglaban sa kriminalidad, pagsasagawa ng mga programang pangkomunidad, nagiging mahalagang hakbang ito tungo sa pagbuo ng isang mas ligtas, maunlad, at disiplinadong Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Pearl Crystalynne Javier