Isinagawa ng Commission on Elections (COMELEC) ang Automated Counting Machine Seminar sa 50 PNP Personnel na sinanay sa wastong paggamit ng Automated Counting Machine sa Camp Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang Enero 14, 2025.
Kabilang sa ginanap na pagpupulong ang reactivation ng Regional Joint Security Control Center na pagsasanay 50 PNP Personnel ng PRO 10 kasama ang representante mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Sa isinagawang Automated Counting Machine Seminar ng COMELEC ay may layuning bigyan ng sapat ng kaalaman tungkol sa paggamit ng wastong paggamit ng Vote Counting Machine para maiwasan ang anumang aberya o teknikal na problema sa araw ng halalan.
Layunin ng aktbidad na siguraduhing epektibo at tiniyak na ang PRO 10 at mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay handa at may sapat na kaalaman para sa darating na Midterm 2025 Election.