Friday, November 22, 2024

Australian National at 2 kasama nito, arestado ng SPD dahil sa pekeng pera

Tatlong indibidwal, kabilang ang isang Australian National, ang naaresto dahil sa pagtatangkang magdeposito ng pekeng US dollars sa isang commercial bank na matatagpuan sa Arnaiz Avenue, Barangay San Lorenzo, Makati City nito lamang Miyerkules, Nobyembre 20, 2024.

Ayon kay Police Brigadier General Bernard R Yang, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek ay sina alyas “Emanuel”, 42 anyos, Australian National at turista; alyas “Jessirose”, 59 anyos; at alyas “Imelda”, 59 anyos, retiradong accountant.

Ayon sa mga awtoridad, tinangka ng mga suspek na magdeposito ng $496,000.00 sa $100 bills at kinumpirma ng isang kinatawan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na peke ang dalang pera ng mga suspek.

Nahaharap ang mga suspek sa mga reklamo dahil sa paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code, partikular sa Illegal Possession and Use of False Treasury o Banknotes and Other Instruments of Credit.

Pahayag naman ni PBGen Yang, mas palalakasin ng SPD ang kampanya laban sa mga pekeng pera lalo na at nalalapit ang kapaskuhan kung saan posibleng kumakalat ang pekeng pera. Pinaalalahanan din ang publiko na manatiling mapagmatyag sa pagtanggap at paghawak ng mga perang papel, mula man sa personal na transaksyon o ATM.

Source: SPD PIO

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles