Nakiisa ang mga personal ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company sa idinaos na Mangrove Planting Activity sa Brgy. Dibacong, Casiguran, Aurora nito lamang Martes, ika-21 ng Nobyembre 2023.
Ito ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Cielo Caligtan, Force Commander ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company kasama ang Kaligkasan Volunteers.

Nagtanim ang mga nasabing grupo ng mga bakawan at ang aktibidad ay kaugnay sa PNP Core Values na “MakaKalikasan”.
Ito ay naglalayong magkaroon ng tirahan ang mga isda at mapangalagaan ang ating inang kalikasan.
Source: Aurora 2nd PMFC
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera