Davao City (February 12, 2022) – Tumanggap ng tulong medikal at pagkain ang 46 na kabahayan ng katutubong Ata Manobo sa isinagawang medical mission ng mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Paquibato sa tulong ng Lemurians Eagles Club sa Sitio Panimbay, Brgy. Malitan, Paquibato Dist., Davao City noong Pebrero 12, 2022.
Kasabay nito ay isinagawa rin ang site inspection ng ipapatayong Livelihood Training Center para sa Malitan Farmers Association ng nasabing lugar sa pangunguna ni PMaj Rowena Jacosalem, R-PSB Overall Coordinator; PLt Cherry Grace Bedionez, RMFB11 Chief, PCAS; PLt Alvin Spencer Cahilig, R-PSB Team Paquibato Team Leader kasama si Percienette Condez, Lemurians Eagles Club president.
Ang itatayong training center sa tulong ng nasabing stakeholder ay malaking tulong upang mabigyan ng permanenteng kabuhayan ang mga residente lalo na ang mga miyembro ng Peoples Organization (PO) ng Malitan Farmers Association, na binuo mismo ng R-PSB Paquibato para sa ikauunlad ng kanilang komunidad na lubos namang ipinagpasalamat ng nasabing organisasyon.
Nais ng R-PSB na ipadama at ipakita sa bawat IP Community kabilang ang Sitio Panimbay ang taos pusong pagmamalasakit ng gobyerno para sa kanilang kapakanan at pangangailangan lalo na sa panahong may kinahaharap na krisis sa pangkalusugan.
####
Panulat ni Patrolman Rhod Evan G Andrade
Tunay n malasakit serbisyo publiko