Davao Del Norte – Naisakatuparan ang pag-iisang dibdib ng mga nagmamahalang Ata-Manobo Tribe sa tulong ng Revitalized-Pulis sa Barangay sa Sitio Lambid, Brgy. Sto. Niño, Talaingod, Davao Del Norte, nito lamang Miyerkules, April 27, 2022.
Naging isang malaking sagot at posible ang kahilingan na maikasal ang mga nasabing pares ng katutubong Ata-Manobo sa pangunguna ni PLt Mick Puerto, Team Leader, sa tulong at suporta ng Local Government Unit ng Talaingod sa isinagawang tribal mass wedding na pinangasiwaan ni Datu Allan Causing, Solemnizing Officer.
Hindi matutumbasan ang pasasalamat ng mga bagong kasal sa mga tauhan ng R-PSB at lokal na pamahalaan dahil sa wakas ay tunay at legal na silang magsasama at tatawaging mag-asawa sa hirap man o ginhawa.
Kasama rin sa mga dumalo si Hon. Mayor Jonnie ‘Onit’ Libayao; Ginang Jaidee Sanico, MCR Chief; Sitio Datu Ronie Andilong at Sitio Chairman Landilino Bawian.
Ang isinagawang tribal mass wedding ay binuo upang bigyang-daan ang mga maglive-in partner pa lamang na gawing legal ang kanilang pagsasama bilang tunay na mag-asawa.
Higit pa rito ay upang suportahan ang ating mga kapatid na katutubo na pagyamanin at protektahan ang kanilang kultura kaugnay sa E.O. 70 na may layuning wakasan ang mga komunistang grupo sa bansa.
###
Panulat ni Patrolman Rhod Evan Andrade