Saturday, November 23, 2024

Assets ng PNP, nakahanda para sa transportasyon ng COVID-19 vaxx – Eleazar

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar na nakahanda ang lahat ng kagamitan ng PNP para sa distribusyon at transportasyon ng COVID-19 vaccine.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paggamit sa air assets ng pulisya at militar upang maihatid ang mga bakuna sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

“Nakahanda hindi lang ang air assets ng PNP, kundi pati ang land at water assets, para tumulong sa paghahatid ng mga bakuna sa ating mga bayan at lalawigan,” ani PGen Eleazar.

“I already directed the Police Regional Directors to coordinate with Local Chief Executives to discuss the logistics of the vaccine delivery. Inatasan ko rin sila na magdeploy ng karagdagang personnel na tututok dito sa deliveries ng bakuna,” dagdag pa ng hepe.

Simula nang mag-umpisa ang COVID-19 vaccine rollout noong Marso, naging katuwang ng gobyerno ang PNP sa pagbibigay-seguridad at paghahatid ng mga bakuna.

“Kasama ito sa papel na ginagampanan ng PNP sa ilalim ng ating National Vaccination Program, ang tiyaking makararating ng maayos ang mga bakuna sa lahat ng sulok ng bansa, lalo na sa mga liblib na lugar,” wika ni Eleazar.

Bukod sa seguridad at transportasyon, naka-standby rin ang PNP Medical Reserve Force para agad madeploy sa alinmang mga lokalidad sakaling mangailangan ng tulong para mapabilis ang proseso ng pagbakuna.

Hinikayat ni PGen Eleazar ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19. Iginiit niya na ang bakuna ang siyang pangunahing proteksyon ng publiko mula sa nakamamatay na virus.

“We urge the public to avail of these free vaccines because apart from the strict observance of MPHS, this is our best protection against COVID-19,” ani PNP Chief.

Photo Courtesy: rappler.com

####

Panulat ni: Police Corporal Josephine T Blanche

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles