Zamboanga City – Nahulog sa kamay ng batas ang tinaguriang Sub-Leader ng Abu Sayyaf Group sa ikinasang Counter Terrorist Operation ng mga awtoridad sa Brgy. Sinunoc, Zamboanga City nito lamang Linggo, Pebrero 12, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant General Vicente Danao, Commander, Area Police Command-Western Mindanao, ang suspek na si alyas Kiri/Kirin, nakalista bilang Top 2 Most Wanted Person ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) na may DND-DILG Reward na Php5.3 milyon at tinaguriang Abu Sayyaf Sub-Leader na nag-ooperate sa probinsya ng Basilan at Sulu sa ilalim ng grupo ni Abu Sayyaf Leader Isnilon Hapilon sa Sumisip, Basilan at Abu Sayyaf Leader Radullan Sahiron sa Patikul, Sulu.
Dagdag pa ni PLtGen Danao, naaresto ang suspek sa pinagsanib na operatiba ng 5th, 7th Special Action Battalion ng PNP Special Action Force; Criminal Investigation and Detection Group-Sulu Provincial Field Unit (CIDG-Sulu PFU); Regional Intelligence Division PRO BAR ; Regional Intelligence Unit 9 ; Sinunoc Municipal Police Station; SOCO 9; at 904th Regional Mobile Fore Company, Regional Mobile Force Battalion 9 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Seven Counts of Murder at 25 counts of Frustrated Murder.
Ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay matatag sa mandato na hulihin ang lahat ng may atraso sa batas at ilagay sa likod ng rehas upang mapanatili ang isang maayos at maunlad na komunidad.
Source: Area Police Command-Western Mindanao
Panulat ni PSSg Grace Neville Ortiz