Narekober mula sa dalawang indibidwal ang armas, Granada, at shabu matapos rumesponde ang mga awtoridad sa kahabaan ng Highway sa Barangay Bankerohan Sur sa Montevista, Davao de Oro nito lamang ika-18 ng Pebrero 2025.
Nakatanggap ang Montevista Municipal Police Station nang tawag at ipinagbibigay ng isang concerned citizen na may dalawang indibidwal na may dalang armas.
Agad namang rumesponde ang mga operatiba ng nasabing istasyon katuwang ang Monkayo Municipal Police Station, Davao de Oro Provincial Drug Enforcement Unit at 25th Infantry Battalion, Philippine Army.
Pagdating sa nasabing lugar ay agad namataan ng mga awtoridad ang dalawang suspek- isa ay may armas sa bewang nito habang ang isa ay may dalang rifle.
Narekober ang isang yunit ng kalibre .45 na baril na may magasin, laman ang tatlong bala; isang hand grenade; isang yunit ng chamber loaded na M16 rifle kasabay ang isang magasin na may 23 na bala; isang pakete ng humigit kumulang dalawang gramo ng shabu na may Standard Drug Price na Php13,600, mga paraphernalia at iba pa.
Kasong paglabag sa Republic Act No. 10591, Republic Act 9165 at COMELEC Gun Ban ang kakaharapin ng mga suspek.
Samantala, ang laban kontra kriminalidad ay patuloy na pinapaigting ng Police Regional Office 11 sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Leon Victor Z Rosete upang matiyak ang napapanatiling kaayusan at kapayapaan sa buong Davao Region.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino