Maguindanao del Sur – Arestado ang isang armadong suspek sa isinagawang intel-driven operation matapos nitong tangkaing saktan ang mga kapulisan at manggulo sa isang sport activities sa Municipal Covered Court, Brgy. Poblacion, Ampatuan, Maguindanao Del Sur nito lamang ika-6 ng Agosto 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Allan Nobleza, Regional Director ng PRO BAR, ang naaresto na si alyas “Hamid”, nasa hustong gulang, at residente ng Brgy. Poblacion, Ampatuan, Maguindanao del Sur, miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter at isa rin sa mga suspek sa pananambang kay Police Captain Reynaldo Samson.
Ayon kay PBGen Nobleza, matapos makatanggap ng impormasyon ang Ampatuan MPS mula sa Provincial Intelligence Unit ng Maguindanao del Sur PPO, na manatiling mapagmatyag dahil sa isang armadong suspek na nakasuot ng itim na damit na hinihinalang may masamang layunin sa mga kapulisang nagbabantay sa naturang aktibidad. Kaagad na nagsagawa ng pagpapatrolya ang mga kapulisan na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Nakumpiska ng pinagsanib pwersa ng Ampatuan MPS, Maguindanao del Sur PPO, at 2nd Provincial Mobile Force Company, mula sa suspek ang isang Caliber 45 Taurus na may serial number na 197352; isang magazine; at walong bala.
Ang suspek ay nasa kustodiya ng Ampatuan MPS kasama ang mga nakumpiskang ebidensya at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, habang ang mga nasamsam na baril ay isasailalim sa ballistic examination sa Regional Forensic Unit BAR para sa beripikasyon.
Samantala, pinuri ni PBGen Nobleza, ang mga operatiba dahil sa mabilis na pagtugon at matagumpay na operasyon. Aniya ang PRO BAR ay patuloy na magpapalakas ng mga hakbang sa seguridad upang masugpo ang kriminalidad na humahadlang sa ating laban para sa isang mapayapang komunidad ng Bangsamoro.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz